Tuesday, September 6, 2011

POOP ATTACK!!


Kinda disturbing title, right?? Kung iisipin para kang inaatake ka ng sandamakmak na ernakels tapos erna din ang sandata nila at ibinabato sayo!!ewwness. Anyway, bago ko tapusin ang aking Ms. International Katulong series, gagawa lang ako ng isang maliit na commercial. Dahil, dalawang tao na lang naman ang natitira para i-kwento.
                It’s not normal for me to have poop attack when I’m far from home. One of my daily routine is to poop when I got home from work and poop again before going to work. So basically, I poop twice a day. Para makasigurado na hindi sasakit ang tyan ko pag nasa labas ako ng bahay. BAKIT?? I am not comfortable pooping in public CR’s.  Sa opis man yan o sa mall o sa MRT station, basta ayaw!!bakit? E ayaw ko e, maarte lang!!chusera!!
Kaya ang solusyon ko kung abutin man ako ng pagtat@# sa labasan, magmo-MOTMOTako. MAG-ISA. At least, pag nasa loob ako, andun yung confidence na walang ibang tao at pwede kong ibulwak lahat ng hinanakit ng tyan ko. Minsan, galing starbuko, ppunta kami gimikan para gumiling giling, bigla akong nakaramdam ng hinanakit sa kaloob-looban. Hindi ko alam gagawin, hindi ako mapakali at kailangan kong magdiposito sa inidoro. Maraming MOTMOT sa Big C. Kaya sabi ko kay BFF, magmo-motmot muna ako. Alam na nya kung bakit. POOP ATTACK!!


One time, mid-August, I went out with BFF and Seth. Sa startbuko lang. Dati, mahilig ako sa Caramel Frapp at CafĂ© Americano. At dahil napansin ko na isa sila sa mga dahilan ng paghihimutok ng tyan ko, nag-stick ako sa Iced tea with strawberry syrup. Going baaack, after ng coffee, pauwi na dapat kami ng makaramdam ako ng malamig na hangin. Bigla akong pinagpawisan ng malamig, ga-mais na pawis. Ampotek, alam kong hindi ko kayang pigilan to hanggang bahay! Sinabi k okay BFF na kailangan ko mag motmot. Naiintindihan naman nya, so pumunta kami dun sa bagong gawang motmot sa Big C dahil sabi nya Php98 lang ang check-in. Kaya gora na mga lolaret mo. Hindi kami sabay papasok, kasi syempre gusto ko muna mag moments sa washroom. Pagpasok sa loob, napa WOW ako. Space ship ang concept ng motel, with matching robotic costumes ng mga crew, napa ngiti ako ng slight sa mga itsura nila, pero ang cool. Tanong agad ako, “ Hi, how much ang lowest rate? (syempre eerna lang namn ako)” Attendant: “98 lang po, 2 hours na”. Ay, panalo! Kaya, go na go na ang lola mo habang nagiipit ng konti kasi malapit na malapit na syang kumawala. Parang nakadila na sya sa bibig ng juwetrax ko..LOL. Habang umaakyat ng hagdan, napapa-WOW pa rin ako kasi ang cool ng pintura sa walls. Pag pasok ng kwarto, napa-wow pa rin ako (ang benta na sakin nung motmot. LOL). Maliit lang sya pero andun na lahat, malamig ang aircon, meron TV, mabango ang place hindi amoy chlorox, well, siguro dahil bago pero kebs, basta maayos at mabango! Ni-lock ko na yung pinto, direcho sa washroom dala ang twalya at sabon. Sa loob ng kasilyas, habang nakaupo at nagko-concentrate, napansin kong bago lahat. Wow ulit..hakhak. Pagtapos kong ilabas ang mga hinanakit sa kaloob-looban ko, may kumatok..si BFF, syet, teka hindi pa ako tapos (witit pa ako nagjugas ng juwetrax kis). Sumigaw ako “TEKAAA”!! naghugas akong bigla kahit hindi pa nauubos ang galit ng tyan ko, nilagay ang sabon sa lababo, nagtapis at lumabas para pagbuksan si BFF. Pumasok sya sa kwarto at na-amaze din sa mga nakita nya sa loob. Bumalik naman ako sa trono at sinimulang muli ang naudlot na pakikipagtunggali. Pag jupo ni watak, pinilit ko ng ilabas lahat. Matapos ang giyera laban sa tyanena ko. Magjujugas na ako ng pepe ko..LOL. nag buhos ako ng tubig..muli kong kinuha ang sabon sa lababo, kinuskos ang pepe, muling nagbuhos.. Success!! Naghugas ako ng kamay at ibinalik sa lababo ang sabon habang ang isang braso ko ay nakasandala sa sink, nang biglang, BLAGAG!!napasigaw ako ulit… “AAAAAAHH..EEEEEEEEE” (sambit ang pangalan ni BFF) yung sink, nahuloooog!! BFF: haaaaa??bakit???? di ako sumagot, nagtapis agad ako at inayos ang sink..pagbukas ko ng CR tiningnan ni BFF ang sira sa sink. “syet, buti  hindi ka nabagsakan” sabi nya, “nasalo ko” sagot ko naman. Napag-alaman naming na naka dikit lang yung sink sa pader at mukhang bago lang..


 Nag-isip kami kung sasabihin ba o hahayaan na lng hanggang paglabas naming dalawa. Kalaunan, napagdesisyunan naming sabihin. Tumawag ako sa front desk para ipaalam ang ngyari, kumatok yung crew, nagtanong ng ilang bagay saka umalis, muling may kumatok, mukhang sya supervisor nila, inispluk ko kung naganap. Umalis sya at sinabing babalik. Sinabihan ako ni BFF na “subukan mong magbayad, babatukan kita, buti nga hindi ka nasaktan”. (sweet ni BFF no, minsan lang yan). Bumalik ang supervisor, sinabihan kami na paki-bayaran na lang ng Php200 ang nasira. OK lang naman sakin, hindi na masama ang 200. Keri lang din kay BFF. Nag stay pa kami ng slight bago tuluyang lumabas ng motel. Binayaran ko na ang 200 sa counter nang may mapansin kaming 2 beki at 2 bilat na papasok. Nag-iwan sila ng katanungan sa aming mga isipan, gayong alam naming na nakikipag landian sa tingin yung dalawang beki samin.. Harhar.
Bago pa man kami makalabas, sinabihan akong muli ng supervisor na baka hindi na kami bumalik, sabi ko naman. Sir, for sure we'll come back. Dahil sa rate syempre. Pero next time hindi na ako gagamit ng sink.

Moral Lessons:
1.        Umerna na ng umerna sa baler bago gumala.
2.        Pag na-erna pigilan hangga’t kaya.
3.        Pag hindi na kaya subukan sa public CR. Meron naman may bayad. (ayoko pa rin!!)
4.        Wag papasok sa motmot na bago, baka may masira.
5.        Wag patungan ang lababo baka mauhulog.

3 comments:

  1. Pareho tayo ayaw ko din sa mga public cr or kahit sa office kasi baka kung anong sakit/germs makuha mo dun.

    Mahirap din uminom ng may gatas kasi nakakasakit nga ng tiyan. Pero may paraan diyan pwede ka uminom ng lactaid kasi ipreprevent nun masira tiyan mo.

    ReplyDelete
  2. wow..ngayon ko lang nalaman yun a..thanks for the advise -milch..hugs

    ReplyDelete
  3. Hey Matt, grabe siguro sobrang stressed kayo na nasira ang sink! Hahaha.

    Anyway, I was exploring your site and I was wondering if you can make the fonts a little bigger to make it easier to read. It would help attract more readers if your site is reader friendly, keep it simple, use colors sparingly, use bigger fonts. These are suggestions which you may or may not use.

    There are tons of sites out there that give tips to new bloggers. You can check them out. Welcome and cheers!

    Kane

    ReplyDelete